Poe hinikayat ang publiko na iparehistro na ang SIM

Hiinimok ni Senator Grace Poe ang publiko na tumugon at sumunod na sa mga probisyon ng SIM Registration Law at iparehistro ang kanilang gamit na SIM. Ginawa ito ni Poe dahil deadline na ng pagpaparehistro sa Miyerkules, Abril 26. Sinabi ni Poe na dapat magtulungan ang gobyerno at mga kompaniya ng telekomunikasyon na hikayatin ang lahat ng SIM users na magparehistro. Gayunman, dapat aniyang tiyakin na ang panghihimok ay may kaakibat ng epektibong imprastraktura at sistema para sa pagrerehistro. Muli ring tiniyak ng senador sa publiko na may sapat na safeguards sa batas para protektahan ang mga datos ng bawat isa. Binigyang-diin ni Poe na wala dapat “goodbye” sa SIM  na dapat ay “forever” na kasama ng bawat indibidwal.

Read more...