Magserbisyo ng may integridad, bilin ni PBBM Jr. sa PNP

PCO PHOTO

Hindi pa man umiinit sa puwesto, may marching order na si Pangulong Marcos Jr. kay bagong Philippine National Police Chief Benjamin Acorda.

Sa change of command sa Camp Crame sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na dapat na paigtingin ng PNP ang pakikipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies.

As you do so, enhance operational ties with other law enforcement agencies, both on the local and national levels.  Ensure integrated, coordinated and systematic approaches in addressing our peace and order and internal security issues,” pahayag ng Pangulo.

Nais din ng Punong Ehekutibo na maramdaman ng taumbayan ang presensiya ng mga pulis sa kalsada at protektahan ang lahat ng sektor sa lipunan.

Nais din ng Pangulo na pagsilbihan ng PNP ang taong bayan na may integridad.

“Finally, serve the people with integrity, with accountability, and genuine justice. Always be open to public scrutiny, and practice restraint and maximum tolerance in the face of harsh criticism,” pahayag ng Pangulo.

Nangako naman ni Acorda na makaasa ang Pangulo ng maayos na serbisyo mula sa pambansang pulisya.

Sinabi din niya na tatanggapin nila ang mga kritisismo para sa “check and balance,” bukod sa magiging “transparent” sila.

Kasabay nito ang kanyang babala sa mga pulis na masasangkot sa droga na pananagutin sila sa batas.

 

Read more...