Bantag nagparamdam ng pagsuko – Remulla

May “surrender feelers” na si dating (Bucor) Director General Gerald Bantag, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ayon kay Remulla isang kapwa miyembro ng gabinete ang nagsabi sa kanya na gusto nang sumuko ni Bantag.

“He spoke to one of my colleagues in the Cabinet to say that he may wish to surrender,”  ani Remulla, na hindi na kinilala ang naturang miyembro din ng gabinete.

Aniya nasa bansa lamang si Bantag at wala itong ibinigay na kondisyon sa kanyang pagsuko.

Ipinag-utos na ng isang korte sa Las Pinas City ang pag-aresto kay Bantag dahil sa kaso ng pagpatay kay broadcaster Percival Mabasa alias Percy Lapid noong Oktubre 3, 2022.

May warrant of arrest din kay Bantag mula sa isang korte sa Muntinlupa City dahil naman sa pagpatay sa bilanggo na si Cristito Palana sa loob ng pambansang piitan.

 

Read more...