US arms sa EDCA sites, bawal! – DFA chief
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi magagami ng Amerika ang mga pasilidad na sakop ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sakaling sumiklab ang digmaan sa Taiwan.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, natanong ni Sen. Imee Marcos si Manalo kung sa ilalim ba ng kasunduan ay pahihintulutan ang US na mag imbak sa ating teritoryo ng mga armas o anumang kagamitan na magagamit nila sa pagtulong sa gulo sa Taiwan.
Tugon ni Manalo, sakaling mangyari ito ay gagabayan tayo ng pangunahing layunin ng EDCA at hindi papayagan ng Pilipinas ang anumang aktibidad o materyales na hindi nakasaad sa mga napagkasunduang mga aktibidad
Giniit ng kalihim na hindi nakatuon o layong magamit ang EDCA sa anumang ibang bansa maliban para sa pakinabang ng Pilipinas.
Binigyang diin ni Manalo na ang pangunahing foreign policy ng Pilipinas ay ang maging kaibigan sa lahat.