Nasa bansa ngayon ang apat na EA-18G Growler aircraft ng Estados Unidos para magsagawa ng two-fold mission katulong ang puwersa ng Pilipinas.
Ang pagbisita sa bansa ng apat na modern jet fighter ng Amerika kasama ang nasa 120 mga sundalong Amerikano ay sa gitna ng umiiral na tensyon sa pagitan ng bansa at China sa agawan ng teritoryo sa South China o West Philippines Sea.
Dumating sa Clark Air Base sa Pampanga ang dalawang high-tech na eroplano ng Amerika at makakasabay ng FA-50 fighter jets ng Pilipinas para sa isang joint training.
Layunin ng joint training na matulungan ang bansa na mapalakas ang presensya nito sa mga lugar na sakop ng teritoryo ng bansa.
Ang EA-18G Growler fighter attack jet ay maihahalintulad sa F/A18F Super Hornet jet ngunit mas may kapasidad ito sa electronic warfare.
May kakayahan ito sa paglulunsad ng ait-to-air o air-to-ground combat.