Malacañang, aminadong may mga gusot pa sa K-12 program

 

Inquirer file photo

Aminado ang Malacaňang na marami pa ring dapat na ayusin at paghusayin sa implementasyon ng K to 12 program ng Department of Education.

Kasunod na rin ito ng mga lumutang na aberya noong nakalipas na mga pagbubukas ng klase para sa school year 2016-2017 lalo na sa Grade 11 o Senior High School (SHS).

Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma, tiwala ang Palasyo na malalagpasan ng DepEd ang mga hamon na nararanasan sa kasalukuyan at normal lamang ito sa pagsisimula ng programa.

Bukod sa mababang bilang ng enrollees sa senior high school, problema rin ng DepEd ang kulang na mga silid-aralan.

Taliwas naman ito sa ipinagmamalaki noong panahon ng kampanya ni Pangulong Aquino na napunan na ng kanyang administrasyon ang backlog sa mga silid aralan.

Read more...