Lalake, 12-oras namalagi sa tuktok ng Baclaran High School

 

Mula sa Google Maps

Mahigit sa labing-isang oras na namalagi sa ituktok ng Baclaran National High School sa Parañaque City bago ito nailigtas ng mga rescue team.

Ayon kay Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, alas 10:00 pa ng umaga ng Huwebes, napansin ng ilang mga bystander ang hindi pa nakilalang lalakesa rooftop ng naturang paaralan.

Nagawa lamang itong ma-rescue makalipas ang halos kalahating araw.

Sa inisyal na impormasyon mula sa mga otoridad, nagtatangka umanong magpakamatay ng lalake kaya ito umakyat ng bubungan ng naturang paaralan.

Read more...