Mas magiging makatotohanan ang isasagawang Nationwide Shake Drill sa June 22 dahil walang naka-preposition na assests sa unang pagkakataon.
Ayon kay Mina Marasigan, tagapagsalita ng Office of Civil Defense, ang isa sa magiging highlight ng nasabing drill ay ang pagsisimula ng ehersisyo sa wala.
Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council kasama ang MMDA ay ang mga ahensya ng gobyernong mangunguna sa ikalawang nationwide simultaneous earthquake drill.
Samantalang ang on-site operations center ay ise-set up sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Dagdag pa ni Marasigan bilang bahagi ng nationwide campaign, ipapakita ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang kanilang kapabilidad sa senaryong biglaang pagtama ng lindol nang walang naka-preposition na assets kahalintulad ng isang real-life scenario.
Isa sa mga senaryong isasama ay ang pag-collapse ng Guadalupe Bridge na rerespondehan ng mga emergency teams.