Boxing body prexy Ed Picson pumanaw, 69

Namayapa na si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ed Picson ngayon araw.

Nabatid na liver cancer ang sanhi ng pagpanaw ng 69-anyos na dating sportscaster ng Philippine Basketball Association (PBA).

Kinumpirma na ng mga kasamahan ni Picson sa mundo ng palakasan ang kanyang pagpanaw.

Naging pangulo ng ABAP si Picson noong 2021 matapos magsilbi bilang secretary-general ng asosasyon.

Naulila niya ang kanyang misis na si Karina at mga anak na sina Binggay at Bam.

 

Read more...