Nais ni Senator Sherwin Gatchalia na maipasa na ang kanyang panukala na magbibigat ng mas mabigat na kaparusahan sa “nuisance candidacy.”
Ginawa ito ni Gatchalian sa gitna nang pag-iimbestiga ng Senate Committee on Public Order ukol sa “political killings,” partikular na ang pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Naniniwala ang senador na ang kanyang panukala ang isa sa maaring maging daan upang matuldukan ang mga kaso ng pagpatay dahil sa pulitika. Sa kanyang Senate Bill 1061 nakasaad na ang sinumang napatunayang may election offense, kabilang ang pagiging nuisance candidate, ay papatawan ng parusang kulong na isa hanggang anim na taon nang walang probation. Kasama rin sa parusang itinatakda sa panukala ang diskwalipikasyon sa anumang pampublikong posisyon, pag-alis ng karapatang bumoto, at magbayad ng multang P50,000 sa Commission on Elections. Gayundin, ang sinumang partidong pulitikal na mapatunayang nagkasala ay magbabayad ng multang hindi bababa sa P10,000.MOST READ
LATEST STORIES