Foreign “wholesale recruitment” ng Filipino healthcare workers pinuna ni Cayetano

SENATE PRIB PHOTO

Binatikos ni Senator Pia Cayetano ang ginagawang “wholesale recruitment” ng mga Filipino healthcare workers ng foreign recruiters

Aniya dumidiretso na ang recruiters sa mga eskuwelahan at ospital para manghikayat ng healthcare workers na mag-trabaho sa ibang bansa.

“I mean, honestly, I’d use the term, it’s ‘modern-day colonization.’ They just come in. And in as much as, I will repeat, I respect the right of every Filipino – nurse ka man, abogado ka man, ano ka pa man – to choose their own future, I am not comfortable and I will not tolerate that they come in and wholesale recruit this whole group and then paralyze a sector of our healthcare system that is providing these services to our people, whether it’s private or public,” himutok ni Cayetano.

Paglilinaw niya na naiintidihan niya ang mga Filipino nurses na nagta-trabaho sa ibang bansa, ngunit aniya ang hinahanapan niya ng kasagutan ay kung ano ang ginagawa naman ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

“The perspective I am looking for is what can DFA and DMW do by way of bilateral agreements? By way of telling these countries that are either sending government missions or private missions. So I wouldn’t know, ano ba say niyo kapag private mission, na teka muna, grabe ang ginagawa niyo dito. Pupunta kayo sa isang ospital, sa probinsya, tinanggal niyo ang isang buong division na nagma-maternal care o emergency care. Can you do this to us? So that’s my question. Can that be addressed? Can you handle that?,” dagdag pa nito patukoy sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Deparment of Migrant Workers (DMW).

Apila niya sa dalawang kagawaran, gumawa ng mga hakbang ukol sa isyu upang hindi naman maapektuhan ang sistemang pangkalusugan sa bansa dahil sa kakulangan ng healthcare workers.

Read more...