Idinemanda ng ama ng nag-iisang US citizen na napatay ng mga terorista sa madugong Paris attacks noong Nobyembre ang mga social media sites na Twitter, Facebook at maging ang Google dahil sa pagpayag umano ng mga ito na magamit sila ng ISIS sa pagpapakalat ng kanilang mga karumal-dumal na gawain.
Batay sa reklamo ng ama ng biktimang si Nohemi Gonzales na inihain sa US District Court sa North California, ang mga naturang social media sites at search engine ang mga propaganda material ng mga extremist groups upang kumite.
Paliwanag ng abugado ng pamilya ng nasawing biktima, nagagawa pang maging mistulang ‘partner’ ng Google ang ISIS sa tuwing naglalagay ng video sa Youtube ang mga ito.
Ang Youtube ay pag-aari ng Google.
Sa ilalim anila ng terms of service ng Google, isinusumite ang mga artikulo at video sa Youtube at nilalagyan naman ito ng ads para kumita ng revenue o ma-‘monetize.’
Kung hindi dahil anila sa Youtube, at mga social media sites, naging mabilis ang pagkalat ng propaganda ng ISIS.
Nakatakdang isalang sa initial conference ang reklamo sa September.
Samantala, iginiit ng tatlong website na taliwas sa mga alegasyon, mabilis nilang tinatanggal ang mga nakababahalang materyales sa kanilang website sa oras na ito’y agad na naipag-bigay alam sa kanila.
Noong November 13, 2015, isang grupo ng mga armadong suspek ang sumalakay at walang habas na namaril sa Paris, France kung saan nasa 125 katao ang nasawi, kabilang na ang 23-anyos na amerikanong si Nohemi Gonzales.