Kissing photos nina Taylor Swift at Tom Hiddleston, pinagkakaguluhan sa social media

 

Umuugong ngayon ang social media dahil sa larawan ng sikat na singer na si Taylor Swift habang sweet na sweet sa British actor na si Tom Hiddleston.

Si Hiddleston ay unang sumikat sa karakter nitong si ‘Loki’ na kanyang ginampanan sa mga pelikulang ‘Avengers’ at ‘Thor’.

Ilang larawan pa na inilabas ng pahayagang ‘The Sun’ ang lumutang kung saan bukod sa lips-to-lips ay makikitang nagyayakapan pa ang dalawa.

Lalo pang naging kontrobersyal ang mga larawan ng dalawa na kumpleto holding hands pa sa isang beach sa Rhode Island New England dahil ilang linggo pa lamang ang nakalilipas nang magkipagkalas si Swift sa kanyang dating boyfriend na si Calvin Harris na isang Scottish DJ.

Bukod sa kanilang mga larawan sa beach, una na ring nakita ng madla sina Swift at Hiddleston sa Met Gala sa New York.

Bago naugnay kay sa sikat na singer, nauna nang nauugnay si ‘Loki’ sa kanyang kapwa Avengers star na si Elizabeth Olsen na gumanap na ‘Scarlet Witch’ sa pelikula.

Si Hiddleston ay napapabalitang gaganap din bilang susunod na James Bond sa pelikula.

Read more...