Inanunsiyo ni Senator Francis Tolentino na bumuo ang Department of Justice (DOJ) ng special task force para imbestigahan ang mga patayan sa Negros Oriental bago pa ang pagpaslang kay Governor Roel Degamo.
Magugunita na sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order, ipinanukala ni Tolentino ang pagbuo ng special task force.
Ayon kay Tolentino, 20 kaso ng pagpatay ang iimbestigahan ng task force.
Mababa ito sa nabanggit na higit 50 na binanggit din sa pagdinig ni Atty. Levi Baligod, ang abogado ng mga Degamo.
Ipinaliwanag ng senador na ang 20 kaso ay ang nabanggit na ng mga dumalo mismo sa pagdinig.
Ang task force ay binubuo ng tatlong state prosecutors at inaasahan na bubusisiin nila ang mga kaso at muling magsasampa ng mga kaso kung kakailanganin.