Kakausapin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang transport group na Laban TNVS para talakayin ang planong pagbubukas ng 10,300 TNVS slots.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, bukas ang kanilang hanay sa isang diyalogo.
Hindi lang aniya bukas ang kanilang hanay sa Laban TNVS kundi maging sa iba pang mga transport group upang mapag-usapan ang lahat ng hinaing ng mga ito hinggil sa pagbubukas ng karagdagang TNVS slots.
“As I have said time and again, the LTFRB is open to discuss matters related to concerns, at that time on the PUV modernization program, and now on the additional TNVS slots. We have always believed that a truthful and sincere dialogue will help in the resolution of any issue, and we will always welcome that,” pahayag ni Guadiz.
Ipinaabot ng LTFRB ang imbitasyon matapos tutulan ng Laban TNVS ang plano.