Napaulat na panibagong kaso ng pagdukot, kinukumpirma pa ng mga otoridad

 

Inquirer file photo

Inatasan na ni Tawi-tawi Police Director Sr. Supt. Elly Quibuyen ang lahat ng Chief of Police sa Tawi-tawi na  beripekahin ang ulat na diumanoy may dinukot na naman ang bandidong Abu Sayyaf Group sa  Sabah.

Ayon kay Quibuyen, batay umano sa natanggap nilang impormasyon,  pasado alas 8:00 kagabi ng mangyari ang pagdukot sa Sabah kng saan apan umanong mga Malaysian ang biktima sa pagkakataong ito.

Pero paglilinaw ni Quibuyen, wala pa silang impormasyon kung anong pangalan ng mga biktima at kung sa dagat o lupa sila dinukot.

Sa ngayon, ani Quibuyen, sinusuyod na nila ang lahat ng bahagi ng Tawi-tawi partikular na sa bayan ng Sitankai, kung saan diumano unang dinala ng mga bandido ang mga hostage.

Ayon pa sa opisyal, tumutulong umano sa pagkumpirma sa report ang PNP-Special Action Force, Coast Guard, PNP Maritime Group at Philippine Marines.

Read more...