Sen. Nancy Binay kontra na magalaw ang Masungi Georeserve

 

 

Personal na bumisita at labis na namangha si Senator Nancy Binay sa ganda ng Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.

Kayat pag-amin ni Binay labis na nakakapanghinayang kung matutuloy ang plano ng Bureau of Corrections (BuCor) na magtayo ng opisina sa naturang conservation area.   Ang pagtungo sa lugar ni Binay ay para sa ocular inspection bilang namumuno sa Senate Committee on Tourism kaugnay sa resolusyon sa Senado ukol sa mga sumbong ng karahasan, land-grabbing, illegal logging at quarrying sa Masungi Georeserve.   Ayon kay Binay hihikayatin niya si Senate President Juan Miguel Zubiri, ang ilang senador na bisitahin ang lugar.   Makakabuti din aniya kung makakasama ni Zubiri sina Pangulong Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez.   Dapat din aniya na makabisita sa parke si BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang.   Nais din ng senadora na magkaroon ng konkretong kasunduan sa pagitan ng Department of Tourism (DOT), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at BuCor para hindi na mapagtayuan ng anumang istraktura sa Masungi Georeserve na makakasira sa likas na kagandahan nito.   Diin ni Binay ang dapat na gawing hakbang ay pagandahin pa ang Masungi Georeserve bilang isang eco-tourism spot.   Magsasagawa pa aniya ng pagdinig ang pinamumunuan niyang komite ukol sa mga resolusyon at iimbitahan nila ang mga nasa pribadong sektor.
Read more...