May sapat na pondo para sa paglilikas ng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Taiwan sakaling kailanganin.
Pagtitiyak ito ni Senador Jinggoy Estrada at paliwanag niya 2/3 ng budget ngayon taon ng Department of Migrant Workers (DMW) o P10.6 billion ang nakalaan para sa Emergency Repatriation Program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Aniya sapat na ang halaga para sa repatriation ng may 200,000 OFWs sa Taiwan sa sandaling magdesisyon ang gobyerno na iuwi na sila dahil sa tensyon sa pagitan ng US, Taiwan at China.
Pagdidiin ng senador kailangan na palaging may contigency plans ang gobyerno para sa mga Filipino na nasa ibat ibang dako ng daigdig.
Kaya naman inaasahan ng senador na may nakalatag ng strategic plans ang mga kinauukulqng ahensiya ng gobyerno dahil ang kaligtasan ng mamamayan ang dapat na prayoridad sa lahat ng oras.
Idinagdag din ni Estrada na wala siyang nakikitang masama kung mapaghandaan na ang mga hindi kanais-nais na pangyayari.
Bagamat aniya patukoy siyang umaasa na mananaig ang diplomasiya sa sitwasyon sa pagitan ng tatlong nabanggit na bansa.