DOJ itinuro ni Bato sa “terrorist tag” kay Rep. Arnie Teves

Photo credit: Sen. Ronald “Bato” dela Rosa/Facebook

 

Dumistansiya si Senator Ronald dela Rosa sa plano na gamitin laban kay suspended Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr., ang Anti-Terrorism Law.

Ayon kay dela Rosa nasa kamay na ito ng  Department of Justice (DOJ).

Magugunita na sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Public Order, na pinamumunuan ni dela Rosa, nabanggit ni Justice Secretary Crispin Remulla na ikinukunsidera nilang ipadesignate at ipaproscribe si Teves bilang terorista.

Sinabi ni dela Rosa na mas alam ni Remulla ang Anti Terrorism Law kaya’t ipinauubaya na nya sa kalihim ang hakbangin.

Ipinagkibit balikat naman ni dela rosa ang naging puna ng kampo ni Teves sa isinagawa nilang pagdinig.

Sinabi ng senadoe na inaasahan na niya ang hindi magiging magandang ang reaksyon ng kampo ni Teves makaraang hindi ito payagang humarap sa pagdinig virtually.

Nilinaw naman ng senador na bukas pa rin ang Senado kay Teves kung nais na nitong dumalo ng personal.

 

Read more...