Nasa limanlibong tropa ng militar o sampung brigada ang ipinakalat na sa lalawigan ng Sulu na layong tugisin ang grupo ng Abu Sayyaf na pumugot sa ulo ng dalawang Canadian sa kamakailan.
Ayon kay Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command, lahat ng resources ng militar ang ay nakahandang gamitin para sa operasyon kontra sa bandidong grupo.
May mga speksipikong mga lugar aniyang tatargetin ang kanilang operasyon at tututukan din ang mga personalidad na nagbibigay-suporta sa grupo.
Sa kabila ng dami ng bilang ng mga sundalo at resources na gagamitin panlaban sa ASG, iginiit ni Tan na hindi pa rin ito maituturin na isang ‘wide-scale operation’.
Samantala, sinabi naman ni Abu Raami, tagapagsalita ng ASG na pahihirapan nila sa paghahanap ang militar.
Giit pa ni Raami, mas pamilyar ang kanilang hanay sa terrain kaya’t mas magiging madali sa kanila ang makaiwas sa mga sundalo.