Transition team, ipinasyal ni PNoy sa Palasyo

 

Inquirer.net/Bong Go

Nakipagkita na ang transition team ni incoming President Rodrigo Duterte kay Pangulong Benigno Aquino na bababa sa kanyang puwesto sa June 30.

Ayon kay Christopher ‘Bong’ Go, special aide ni Duterte at bahagi ng inaugural committee, malugod pa silang ipinasyal ni Pangulong Aquino sa presidential palace.

Kabilang sa mga lugar na kanilang inikot ay ang Rizal Hall kung saan manunumpa ang susunod na pangulo ng bansa.

Matapos ang ‘presidential tour’ nakipagpulong naman ang inaugural committee kay outgoing Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., at mga tauhan nito upang pag-usapan ang ilan pang detalye ng magaganap na inagurasyon.

Samantala, ayon sa source ng Inquirer, sa pamamagitan ng tawag sa telepono, binati na ni Pangulong Aquino si Duterte sa pagkapanalo nito sa nakaraang eleksyon.

Read more...