Pangmatagalang kabuhayan sa mga apektado ng Mindoro oil spill hiningi ni Legarda

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

 

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pangangailangan para sa mas matagal na tulong-pangkabuhayan ang mga labis na naapektuhan ng insidente ng oil spill sa Mindoro Oriental.

Aniya hindi sapat ang pansamantalang ayuda sa mga komunidad at kabilang sa maaring pangmatagalang tulong ay mangrove rehabilitation at livelihood  para sa maliit na negosyo na may kaugnayan sa pangingisda.

Hindi aniya dapat maging problema ng pagpopondo dahil mayroong P20 bilyon sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction Management Law of 2010.

Ipinaliwanag ng senadora na ang  bawat local government unit ay mayroong Local Disaster Risk Reduction Management (LDRRM) fund habang ang ibang government agencies ay mayroong Quick Response Fund (QRF).   Hinimok din ni Legarda ang shipping companies na maging responsable sa paglalayag ng kanilang mga sasakyang-pandagat tulad ng pagtiyak na hindi overloaded ang mga barko at regular na susuriin ang kanilang mga makina.
Read more...