(Courtesy: PPA)
Tinalakay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Czech Republic Prime Minister Petr Fiala ang usapin sa West Philippine Sea sa ginanap na bilateral meeting kagabi sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon sa Pangulo, pareho nilang napagkasunduan ni Fiala na bigyang halaga ang rule of law sa usapin sa West Philippine Sea.
Bukod sa West Philippine Sea, pinag-usapan din ng dalawa ang regional at international issues, Cross Trade, pati na ang giyera sa Ukraine.
Limampung taon nang mayroong diplomatic relationship ang Pilipinas at Czech Republic.
Tinalakay din ng dalawa ang usapin sa mutual interest gaya ng defense cooperation, trade and investment, university to university linkages at labor cooperation.
MOST READ
LATEST STORIES