Comelec, pinalawig hanggang June 30 ang pagsusumite ng SOCE

comelec bldgPinagbigyan ng Commission on Elections en banc ang hiling ng Liberal Party na payagan silang makapagsumite ng Statement of Contributions and Expenses o SOCE ng lampas sa deadline ng ahensya na June 8.

Sa botong 4-2, maaari pang makapagsumite ng kanilang SOCE ang LP at iba pang kandidato noong nakaraang eleksyon hanggang June 30.

Kabilang sa mga bumoto sa pinalawig na deadline ay sina commissioners Arthur Lim, Al Parreño, Sheriff Abas, at Rowena Guanzon.

Noong June 8, bigong makapagsumite ng SOCE si LP standard bearer Mar Roxas, labing limang senatorial candidates, apatnapung gubernatorial bets at mahigit isandaang congressional candidates.

Maging ang dalawa pang national parties at hindi pa rin nakapagsusumite ng kanilang SOCE kabilang na dito ang Puwersang Masang Pilipino ni dating Pangulong Joseph Estrada at Aksyon Demokratiko.

Read more...