Isang buntis, kabilang sa nasugatan sa demolisyon sa Tandang Sora, QC

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Aabot sa sampu katao ang nasugatan kabilang na ang isang buntis sa naganap na tensyonadong demolisyon sa Tandang Sora sa lungsod ng Quezon kaninang umaga.

Bukod dito, kabilang din sa mga sugatan ang ilang miyembro ng pulisya at demolition team makaraang pagbabatuhin ng mga residente habang isinasagawa ang demolisyon.

Ayon sa ulat, una nang inabisuhan ng city government ang chairman ng Barangay Tandang Sora na si Hector Geronimo ukol sa ipatutupad na demolisyon ngayong araw.

Nabatid na ilegal ang mga nakatayong bahay sa 1,668 square meter property na pagmamay-ari ni Reynaldo Guiyab.

Ngunit giit ng mga residente, hindi sila naabisuhan ng opisyal ng barangay kaugnay sa nasabing demolisyon at wala rin relocation ang inalok sa kanila.

Sa halip, ani ng mga residente, ay bibigyan na lamang sila ng tatlumpung libong relocation assistance.

Read more...