Dapat ayon kay Senator Risa Hontiveros na hilingin ng gobyerno sa China na pabalikin na sa kanila bansa si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Kasabay ito ng pagbatikos ng senador sa tila pananakot ni Huang sa Pilipinas kung susuportahan ang US sa panghihimasok sa girian ng China at Taiwan. Pgdidiin ni Hontiveros na may karapatan ang mga manggagawang Filipino na magtrabaho kung saan sila makakapagtrabaho kasabay ng pahayag na hindi dapat hayaan ang China na magdesisyon sa kinabukasan ng mga pamilyang Pilipino. Idinagdag pa ng senadora na dahil sa pananakot ng ambassador, dapat hilingin na ng administrasyon sa Beijing na alisin sa bansa si Huang dahil wala itong ng karapatan na maging diplomat kung hindi ito magpapakita ng respeto at dignidad para sa mga Pilipino. Nilinaw naman nito na hindi kailanman manghihimasok ang Pilipinas sa isyu ng Taiwanese independence dahil ito ay eksklusibo sa mamamayan ng Taiwan at inirerespeto ito ng mga Pilipino. Kung may namamagitan na tensiyon aniya ang China at US hindi naman dapat kaladkarin pa ang Pilipinas sa iringan.MOST READ
LATEST STORIES