Umabot sa 16 ang nasawi sa sunog na tumupok sa isang residential building sa Dubai, United Arab Emirates kamakalawa.
May siyam iba ang nasugatan sa sunog sa ika-apat na palapag ng gusali sa bahagi ng Al-Ras, ang itinuturing na pinakamatandang bahagi ng lungsod.
Base sa mga naunang naglabasang ulat, pinaniniwalaan na nag-ugat ang sunog dahil sa kakulangan ng pagsunod sa mga regulasyon ukol sa kaligtasan ng mga gusali.
Nabatid na ang mga nasawi ay apat na Indians, kabilang ang isang mag-asawa; tatlong Pakistanis, isang Cameroonian, isang Sudanese, at isang West African.
Ipinagbawal na ang pagpasok sa gusali sa simula ng pag-iimbestiga ng awtoridad para madetermina ang tunay na pinag-ugatan ng sunog.
Tinataya na 90 porsiyento ng 3.3 milyong residente ng Dubai ay pawang taga-ibang bansa.