Lifeguard sa bawat public swimming areas hiniling ni Gatchalian
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian na mapagtibay na ang panukalang batas na mag-oobliga sa lahat ng public swimming areas na magkaroon ng duty lifeguard.
Ito ay bunsod ng naitalang mahigit 70 nasawi dahil sa insidente ng pagkalunod sa nakalipas na Semana Santa at bakasyon.
Ayon kay Gatchalian, nakakalungkot na ang panahong inilaan para makasama ang pamilya ay nauwi sa trahedya para sa iba.
Iginiit ng senador na maaaring maiwasan ang mga g insidente ng pagkalunod kung ang bawat pampublikong swimming areas ay may nakabantay na lifeguard para matiyak ang kaligtasan ng mga naliligi lalo na ang mga bata.
Dahil dito ay ipinasasabatas agad ni Gatchalian ang Senate Bill 1142 o ang Lifeguard Act of 2022 kung saan ang bawat public swimming pool ay dapat na may kahit isang lifeguard na magbabantay sa buong oras ng operasyon.
Kung malaki ang isang public swimming pool ay dapat mayroong nakatalaga na isang lifeguard sa bawat 250 square meters ng pool at ang mga lifeguards ay certified mula sa mga nationally recognized na organisasyon na accredited ng Department of Health (DOH).