Birthday party shooting sa Alabama, apat patay

Napalitan ng matinding sindak ang masayang birthday party sa Dadeville, Alabama nang ratratin ng bala ang isang birthday party.

Sa ulat ng awtoridad, apat ang kumpirmadong nasawi kabilang ang kuya ng dalaga na nagdiriwang ng kanyang ika-16 kaarawan.

Sinabi ni Sgt. Jeremy Burkett, tagapagsalita ng Alabama Law Enforcement Agency, 28 naman ang nasugatan at ilan sa kanila ay kritikal ang kondisyon.

“There were four lives tragically lost in this incident, and there’s been a multitude of injuries,” sabi ni Burkett, na wala pang naibigay na karagdagang detalye ukol sa pamamaril.

Nanawagan it0 sa mga residente na may impormasyon ukol sa insidente na magbigay ng kanilang testimoniya para maresolba ang kaso.

Samantala, sinabi ni US President Joe Biden na muling nagluluksa ang buong Amerika sa panibagong insidente ng “mass shooting.”

 

 

Read more...