Kiamba, Sarangani niyanig ng 3.6 magnitude na lindol

 

 

Niyanig ng 3.6 magnitude na lindol ang Kiamba, Sarangani kaninang 3:45 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na siyam na kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Naitala naman ang Instrumental Intensity III sa Kiamba sa sarangani at sa T’boli sa South Cotabato.

Naitala rin ang Instrumental Intensity II sa Lake Sebu, south Cotabato at Instrumental intensity I sa Don Marcelino sa Davao occidental, Maasim sa sarangani, Tupi, General Santos City, at Banga sa South Cotabato.

Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Read more...