Ilang pangako sa K -12 Program, napako – Angara

Hinog na para sa pag-review ang K – 12 Basic Education Program makalipas ang isang dekada na pagpapatupad. Sinabi ito ni Sen. Sonny Angara at aniya marami sa mga ipinangako nang balangkasin hanggang sa maging batas ang programa ay hindi pa rin nagkakaroon ng katuparan. Kabilang na ang “employability” ng K-12 graduates sa kadahilanan na maraming kompaniya ang pinipili pa rin ang nakapagtapos ng kurso sa kolehiyo. Bukod pa dito ang kawalan ng sertipikasyon ng mga nagtapos sa ilalim ng technical-vocational course, ang pagpapaikli sa panahon ng pag-aaral sa kolehiyo, at kakulangan ng suporta pagdating sa sports at arts. Hiniling ni Angara na magusap-usap ang mga kinauukulang opisyal kaugnay sa K-12 program na magkaroon ng iisang focus para maresolba ang mga nabanggit na problema. Hiwalay pang isyu sa programa ang ibinahaging ulat ng Commission on Human Rights (CHR) na maraming college graduates sa kasagsagan ng pandemya ang kulang sa “soft skills” kayat hirap makapasok sa trabaho.

Read more...