Upskilling at reskilling ng mga manggagawa ipinakakasa ni Estrada sa DTI, TESDA

Ipinawagan si Senator Jinggoy  Estrada sa Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno na paigtingin ang mga training program ukol sa reskilling at upskilling ng mga manggagawa sa bansa. Ito, ayon kay Estrada, ay upang magkaroon  ng sapat na kaalaman ang mga manggagawa sa  umuusbong na mga bagong industriya.   Nararapat, dagdag pa ni Estrada, na  gawin ito sa mga magta-trabaho sa unang pagkakataon.   Ito ang reaksyon ng senadora sa inilabas na ulat ng Commission on Human Rights (CHR) na nagsasabing nahihirapang maghanap ng trabaho ang mga graduates kasabay ng COVID 19 pandemic.   Nakikita din ng senador ang pangangailan para sa mga reporma, hindi lang sa sistemang pang-edukasyon sa bansa, kundi maging sa human resource development strategy.   Kayat isinusulong ni Estrada ang inihain niyang pagkakaroon ng Apprenticeship Training Law sa pamamagitan ng Senate Bill 1083  upang maitaguyod ang skills acquisition at youth employment.   Paliwanag nito makakatulong ang apprenticeship programs para maranasan ng mga bata o bagong manggagawa ang tunay na sitwasyon sa trabaho, na magreresulta sa pagkatuto nila ng technical skills, practical knowledge, at karanasa para maging competitive at makahanap ng trabaho.

Read more...