Revilla humirit na imbestigahan sa Senado ang sabit ng police generals sa P6.7-B shabu haul

 

Hiniling ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na maimbestigahan  sa Senado ang sinasabing pagkakasangkot ng ilang police generals at iba pang matataas na opisyal  sa P6.7 shabu bust  sa Maynila noong nakaraang taon.

Paliwanag ni Revilla, layon ng inihain niyang Senate Resolution 564 na inihain ni Revilla, nais niyang magkaroon ng sistema para maiwasan na ang mga palusot o pagbaluktot sa proseso para makalusot sa pananagutan at parusa ang mga opisyal.

Nais ng senador na mabigyan linaw ang mga ibinahaging impormasyon ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr.,ukol sa ikinasang operasyon laban kay PoliceMaster Sgt. Rodolfo Mayo Jr.,  noong Oktubre 8, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng halos isang toneladang shabu.

Ayon kay Revilla nais niyang malaman ang katotohanan ukol sa diumanoy pagtatangka na itago ang pagkakahuli kay Mayo.

Nais din niyang maipalabas muli ang CCTV footages ng operasyon na una nang ibinahagi ni Abalos.

Dismayado si Revilla na may ilang bugok pa rin na pulis na nanatili sa serbisyo.

Read more...