Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Santiago, Agusan del Norte.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 13 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Santiago, Jabonga, at Cabadbaran City, Agusan del Norte, Intensity III sa Talacogon, Agusan del Sur, Intensity II sa Lanuza, Surigao del Sur at Intensity I sa Guinsiliban sa Camiguin.
Naitala naman ang Instrumental Intensity IV sa Cabadbaran, Agusan del Norte, Intensity III sa Surigao City, at Intensity I sa Talakag, Bukidnon; Abuyog, at Mahaplag sa Leyte.
Ayon sa Phivolcs, asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES