Nabawasan na ang bilang ng mga pasahero na stranded sa ibat ibang pantalan dahil sa Tropical Depression Amang.
Ayon sa Philippine Coast Guard, mula sa mahigit 3,000 na pasahero na naitala kahapon, nasa 911 na pasahero na lamang ang hindi pa nakabibiyahe.
Kabilang sa mga stranded ang mga pasahero na nasa Bicol region sa Tobaco Port, Pioduran Port, Pasacao port, Mobo Port.
May mga pasahero rin na stranded sa Southern Tagalog sa Atimonan Port, Alabacat Port, San Andres Port, Real Port, Infanta Port, Real Port, Infanta Port, Polilio Port at Patnanungan Port.
Stranded din ang mga pasahero sa Eastern Visayas sa Sta Clara Dapdap Port at Looc Port.
Nasa 8 vessels at 134 na rolling cargoes ang stranded habang nasa 16 vessels at 12 motorbancas ang nakasilong ngayon sa ibat ibang pantalan.