Bantag ipinaaaresto na ng korte

 

 

Nagpalabas na ng warrant of arrest ang Muntinlupa Regional Trial Court laban kay dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag.

Ito ay may kaugnayan sa pagpatay kay Jun Villamor na umanoy middleman sa pagpatay sa  brodkaster na si Percy Lapid.

Ipinaaresto rin ng korte si dating BuCor deputy chief Ricardo Zulueta na sinasabing dawit sa kaso.

Nilagdaan ang warrant of arrest ni Presiding Judge Gener Gito noong Abril 12, 2023.

Matatandaang pinagbabaril hanggang sa mapatay si Lapid noong Oktubre 3, 2022 sa Las Piñas City.

Una nang pinabulaanan ni Bantag na may kinalaman siya sa pagpatay kay Lapid.

 

Read more...