Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglikha ng single operating system para sa lahat ng transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno.
Ayon sa Pangulo, ito ay para mapadali ang pagpo-proseso sa mga nagnanais na magenogosyo sa bansa.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang opisyal ng Department of Information and Technology at Anti-Red Tape Authority.
Utos ng Pangulo sa DICT at ARTA, tulungan ang local government units sa pag-adopt ng business permits at licensing systems sa lahat ng lungsod at munisipalidad.
Target ng Pangulo na bawasan ang mga requirements sa pamamagitan ng data sharing sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno.
“I think it may help when you’re writing the code or when you’re putting the system together, you’re going to have to think about the differences between the national bureaucracy and the different LGUs,” pahayag ng Pangulo.
“Those are the things that we still work with. The questions we were trying to bring it down to that level, and the local governments are really part of that thing. You’ve seen how it can happen. That’s what we need to address,” dagdag ng Pangulo.