Base sa 5:00 pm advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Lagonoy.
Taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Catanduanes, Sorsogon (City of Sorsogon, Pilar, Castilla, Donsol, Prieto Diaz), Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Laguna (Cavinti, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac), Aurora, Quezon (Buenavista, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, General Nakar, Perez, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, San Narciso) including Pollilo Islands, Rizal (Tanay, Pililla, Rodriguez, Baras, City of Antipolo), Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad) at Nueva Ecija (Gabaldon, Bongabon, Laur, General Tinio).
Mabagal na kumikilos ang bagyo sa northwestward direction.
Inaassahang nasa bisinidad ng Jose Panganiban sa Camarines Norte ang bagyo ng 2:00 ng madaling araw bukas at Panukulan, Quezon ng 2:00 ng hapon.