Red tide sa ilang lugar, ibinabala ng BFAR

 

Positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang ilang baybaying dagat sa bansa.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, positibo sa red tide ang Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Pinapayuhan ng BFAR ang mga residente na bawal na kainin ang lahat ng klase ng shellfish at Acetes sp. o alamang.

Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta’t siguraduhin lamang na maayos ang pagkakahugas at pagkakaluto. Kinakailangan na tanggalin ang hasang at kalliskis bago lutuin.

Read more...