Pangulong Marcos interesadong manood sa Balikatan exercises

 

Interesado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na manood sa live fire exercises ng Balikatan military exercises sa San Narciso,  Zambales.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesman Colonel Medel Aguilar, inimbitahan ng AFP si Pangulong Marcos na panoorin ang training sa pagitan ng mga Filipino at Amerikanong sundalo.

Pero ayon kay Aguilar, hindi pa niya mabatid kung kumpirmadong dadalo ang Pangulo.

Nasa 12,000 Amerikanong sundalo at 5,400 na Filipinong sundalo ang lalahok sa Balikatan exercises.

Ito ang unang pagkakataon na magsasagawa ng live-fire exercises sa dagat.

 

Read more...