Inutusan ni Pangulong Marcos Jr., ang Department of Transportation (DOTr) na huwag munang ipatupad ang taas-pasahe sa LRT – 1 at LRT-2 dahil sa apektado pa ng mataas na inflation ang mga konsyumer.
Sa pahayag ng DOTr, bagamat aprubado na ang dagdag-pasahe, may utos ang pangulo na pag-aralan ng husto ang epekto nito sa mga mananakay.
Sinabi ni Sec. Jaime Bautista na inaprubahan ang karagdagang P2.29 sa boarding fare at karagdagang P0.21 sa bawat kilometro ng biyahe.
Aniya ang hakbang ay kinakailangan na isangguni muna sa National Economic and Development Authority (NEDA) at train operators at ang anumang pag-uusap ay maaring tumagal ng ilang buwan.
Huling nagtaas ng pasahe sa LRT 1 at LRT 2 noon pang 2015.
Ikinatuwiran na ang karagdagang pasahe ay gagamitin para sa pagsasa-ayos at pagpapaganda ng mga pasilidad, pagpapabuti ng serbisyo, gayundin ang technical at technological capabilities para sa maayos na biyahe.