EDCA sites hindi dapat magamit ng US sa opensa sa China-Taiwan tension
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Pinatitiyak ni Senator Robinhood Padilla na hindi magagamit ang mga lugar na sakop ng Ph-US Enhanced Defense Cooperation Agreements (EDCA) sa anumang hakbang pang-opensa ngayon tumitindi ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.
Banggit ni Padilla base sa EDCA ar Ph-US Mutual Defense Treaty (MDT) obligasyon ng Amerika na sumaklolo sa Pilipinas sa pag-atake ng ibang bansa.
Giit ng senador, depensa lamang at hindi opensa maaring igiit ang dalawang kasunduan at hindi dapat makialam ang Pilipinas sa girian ng ibang bansa.
Nababahala si Padilla na magamit na “staging areas” ang EDCA sites sakaling maglunsad ng pag-atake ang US sa China.
Kapag nangyari ito, sabi pa ni Padilla, madadamay na ang Pilipinas sa namamagitan na tensyon sa US-Taiwan at China.