Hontiveros: Nakumpiskang smuggled sugar ibenta ng P50-P60 kada kilo 

FILE PHOTO

Mapait sa panlasa ni Senator Risa Hontiveros ang pagbebenta ng P70 kada kilo ng nakumpiskang smuggled sugar.

Aniya sa mga pagtataya, maaring ibenta sa Kadiwa Stores ng P50 – P60 kada kilo ang mga kumpiskadong asukal. Base ito aniya sa aangkatin na 440,000 metriko tonelada ng asukal. Binanggit pa nito na base sa kanilang pagsasaliksik, ang mga asukal na nagmumula sa Thailand ay nagkakahalaga lamang ng P28 kada kilo at lubhang malayo sa P70 kada kilo sa Kadiwa Stores. Aminado ang senadora na ang anumang nakukumpiskang produkto ay dapat na ibalik sa pinagmulan na bansa, kung hindi naman ay sisirain na lamang. Ngunita aniya lubos na nakakapanghinayang kung sisirain lamang ang mga nakumpiskang asukal ngayon kailangan na kailangan ito sa bansa.

Read more...