Babaeng hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa Maynila

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Isa tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang hindi pa nakikilalang babae makaraang barilin sa Romualdez St. malapit sa kanto ng Padre Faura, Paco Park, Manila.

Nakasuot ng stripes na T-shirt at brown na short pants ang biktima na tinatayang nasa 4’9 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, maputi at nasa edad na 25 hanggang 28.

Ayon kay George Tayao, nakita ng kanyang misis ang bangkay dakong alas 5:15 ng madaling araw na nakahandusay sa lugar.

Sinabi ng saksi na kanyang lapitan nakita niya na duguan at may tama ng bala sa ulo ang biktima.

Wala namang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa bangkay ng biktima.

Dinala na sa St. Rich Funeral Homes ang nasabing biktima.

 

 

Read more...