Katawan ng batang tinangay ng buwaya sa Walt Disney resort, natagpuan na

Walt Disney World Resort FloridaNatagpuang wala nang buhay ng mga otoridad ang katawan ng dalawang taong gulang na bata na tinangay ng buwaya sa Walt Disney World resort sa Florida.

Intact umano at may ilang sugat nang makita ang wala nang buhay na katawan ng bata ‘di kalayuan sa lugar kung saan ito tinangay ng buwaya.

Ayon kay Sheriff Jerry Demings, maaring nalunod ang bata matapos mahatak ng buwaya.

Naipaalam na ang sa magulang ng bata na nakilalang sina Matt at Melissa Graves ang pagkakatagpo sa katawan ng kanilang anak.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Florida Fish and Wildlife Conservation Commission na aalisin na sa lake ang buwaya.

Sa pamamagitan ng forensic examinations ay tutukuyin kung anong buwaya ang umatake sa bata.

Naganap ang insidente kahapon ng umaga (oras sa Pilipinas) nang makalapit ang bata sa lagoon at bigla itong hinatak ng buwaya.

Kapwa tumalon sa lagoon ang ama at ina ng bata pero bigo silang maisalba ang anak.

 

Read more...