Southbound lane ng C5 Libis Tunnel isinara dahil sa aksidente sangkot ang 2 trailer truck

C5 Libis TunnelPansamantalang isinara ang southbound lane ng C5 Libis Tunnel dahil sa naganap na aksidente kaninang madaling araw.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas 4:38 ng madaling araw nang isara sa daloy ng trapiko ang nasabing lugar dahil bumara sa dalawang lane ang dalawang trailer truck.

Isa sa mga trailer truck umano ang nasiraan at nakahinto sa lugar nang ito ay banggain ng isa pang trailer truck.

Dahil dito, nagsikip ang daloy ng trapiko sa lugar sa kasagagan ng rush hour.

Alas 6:30 naman ng umaga nang maialis sa tunnel ang isa sa dalawang trailer truck at mabuksan na sa mga motorista ang isang lane.

Umabot hanggang sa VC5 – Aurora boulevard ang tail end ng traffic bunsod ng nasabing aksidente.

 

Read more...