Bilang ng mga nasawi sa nasunog na barko sa Basilan, nasa 31 katao na

(Photo: PCG)

Umakyat na sa 31 katao ang nasawi sa sunog ng Mv Lady Mary Joy 3 sa Baluk-Baluk Island, Basilan.

Ayon sa Philippine Coast Guard, dalawang bangkay pa ang narekober mula sa nasunog na barko.

Unang narekober ang bangkay ni Jak Bungso na resident eng Maimbung, Sulu.

Narekober din ng PCG ang bangkay ni Staff Sergeant Cerbatos ng Philippine Army na isa sa 25 Army personnel na sakay ng nasunog ng barko.

Dinala na ang mga bangkay ng biktima sa Isabela City, Basilan.

Dalawang katao pa ang nawawala at patuloy na pinaghananap ng PCG.

Nakaligtas naman ang 216 na iba na pasahero.

Read more...