Degamo killing iimbestigahan ng komite ni Bato dela Rosa
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Itinakda na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa April 17 ang ipagdinig sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ar walong iba pa.
Ang pagkasa ng imbestigasyon ng Senado ukol sa pagpatay kay Degamo ay base sa kahilingan ni Pamplona Mayor Janice Degamo, maybahay ng pinaslang na gobernador.
Matatandaang sinuspindi muna ng komite noong Marso ang dapat sana’y imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Degamo dahil na rin sa hiling ng Department of Justice (DOJ) na pagtibayin muna ang mga kaso at maaresto ang mga akusado sa pagpatay sa opisyal.
Nauna nang sinabi ni Sen Ronald dela Rosa, ang namumuno sa komite, na kahit naka-session break ay magpapatawag pa rin siya ng pagdinig sa kasong ito.
Si Sen. Risa Hontiveros ay inihain ang isang resolusyon na humihiling sa kaukulang komite sa Senado na maglunsad ng imbestigasyon ‘in aid of legislation’ kaugnay sa magkakasunod na kaso ng pagpatay kay Degamo at sa iba pang mga lokal na pamahalaang opisyal.