Poe: Pag-aralan ang mga batas sa maritime explorations bago magkasa ng Ph-China talks

Ipinakukunsidera ni Senator Grace Poe sa gobyerno ang iba pang batas na may kinalaman sa maritime explorations sa  West Philippine Sea. Mungkahi ito ni Poe  ni Sen. Francis Tolentino  na isama ang Senado sa pag-uusap ng Department of Foreign Affairs (DFA) at China ukol sa joint oil and gas exploration sa West Philippine Sea. Ayon kay Poe, para maitulak ang nasabing kasunduan ay dapat na silipin at pag-aralan din ng pamahalaan ang iba pang batas kaugnay sa maritime explorations sa teritoryo. Ipinagtatatka ng senadora na sa China lang makikipagusap ang Pilipinas sa kabila ng may  ilang kalapit na bansa na inaangkin din ang ilang bahagi ng WPS. Diin ni Poe, ang Konstitusyon, kortesiya at transparency ang dapat na maging gabay ng gobyerno  sa anumang pakikipagusap at pakikipagkasundo na gagawin sa mga dayuhang bansa.

Read more...