Tinupad ni Pope Francis ang pangako na makakasama niya ang mga Katoliko sa buong mundo sa simula ng Kuwaresma o Holy Week, kasabay ng paggunita sa Palm Sunday.
Humarap ang 86-anyos na Santo Papa sa may 60,000 katao sa St. Peter’s Square isang araw pagkalabas niya ng ospital dahil sa bronchitis.
“I thank you for your participation and also for your prayers, which intensified during these past days. Thank you!”, aniya sa pagtitipon ng libo-libong Katoliko sa kanyang harapan.
Umikot pa siya sakay ng popemobile, na pinalamutian ng 35,000 halaman at bulaklak, sa paligid ng St. Peter’s Square.
Sinundan niya ang prusisyon ng mga imahe ng santos, kasunod ang mga kardinal na may hawak na mga palaspas at dahon ng olibo.
Binasbasan niya ang mga palaspas sa sandaling paglalakad na may tunglod patungo sa altar.
Pinangunahan pa ng Santo Papa ang pagdarasal ng Angelus kahit mahina ang kanyang boses at pangangatawan.
Kasunod nito, muli siyang sumakay ng popemobile, kumaway at ngumiti sa mga tao.
Ilang araw na nanatili sa ospital si Pope Francis dahil sa hirap na paghinga.